Linggo, Mayo 5, 2013

Mahigit 300,000 papasok sa Grade 7, bibigyan ng tuition subsidy

 

     Isusulong ng Department of Education (DepEd) ang Education Service Contracting (ESC) scheme na layuning itaas ang bilang ng mga mag-aaral sa Grade 7 sa pamamagitan ng tuition subsidy.

     Sa ilalim ng programa, bibigyan ng P6,500 tuition subsidy ang nasa labas ng National Capital Region (NCR) habang P10,000 naman ang nasa Metro Manila para makapag-enrol mula sa public school papasok sa pribadong paaralan.
     Ang partikular na programang ito ay tinatawag na Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE).
     Layon nitong maibsan kahit paano ang pagsisiksikan sa mga classroom.
     Target ng DepEd na itaas sa 310,709 mula sa 250,896 ang bilang ng mga estudyante na tatanggap ng tuition subsidy ngayong pasukan.
     Pero kontra rito ang grupong Alliance of Concerned Teachers.
     Giit ni Joy Martinez, mas mainam na gamitin na lang ang pondo sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, pagbili ng mga libro at iba pang pangmatagalang programa.

@@@@@

(UPDATED) NBI, pagpalabas ng hotlines para sa agarang ikadarakip ni Mancao

     Nagtalaga ang National Bureau of Investigation (NBI) ng mobile at landline numbers para sa publiko.
     Ayon kay NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda, maaaring makipag-ugnayan ang publiko sa telepono 526-6205 o cellphone number 0917-521-8777 kung mayroon silang impormasyon para sa ikadarakip ni dating Police Officer Cesar Mancao.
      Base sa pinakahuling impormasyon ng NBI, nananatili sa Metro Manila si Mancao matapos itong tumakas sa custody ng NBI nitong Huwebes.

PNoy, hindi makikipag-usap kay Mancao

     Tinanggihan ng Pangulong Noynoy Aquino ang hirit ni dating Police Supt. Cesar Mancao na makausap siya matapos tumakas mula sa custody ng National Bureau of Investigation (NBI).
     Una nang inihayag ni mancao na gusto nitong makausap ang pangulo para ilabas ang saloobin at isumbong ang umanoy banta sa kaniyang buhay habang nasa loob ng kulungan.
     Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda sapat na ang mga pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas para tiyakin ang seguridad ni Mancao.
      Mas mabuti na lamang aniyangb harapin ni mancao ang kaso sa halip na magtago sa batas.
     Tumanggi namang mag komento si Lacierda sa pagkakadawit ni Senador Panfilo Lacson sa banta sa buhay ni Mancao.
     Sinabi pa ni Lacierda na bahala na rin si Justice Secretary Leila De Lima kung sisibakin si NBI Director Nonnatus Rojas depende sa resulta ng imbestigasyon.


Sabado, Mayo 4, 2013


"MAPAGSAMANTALANG PARK N' RIDE DAPAT NG KALUSIN"

 "Ako po ay isang taga-Batangas, ugali ko na po na sa tuwing naghihintay ako ng BUS ay nagbabasa ako ng dyaryo para malaman ang nangyayari sa ating bayang Pilipinas at iksakto po na naka-basa ako ng pahayagang BANDERA PILIPINO.


     "Paki-talakay nga po ang tungkol sa pag-APPROVED ng BILL 6183 na ang tawag ay FREE COMFORT ROOM ACT 2012 na akda ni Rep. Eulogio Magsaysay.
     "Natuon po sa aking isipan ang isang pangyayari ng ako ay bumaba sa Park n' Ride samay Lowton Manila sa likod ng Manila City Hall, kung saan ako ay may tawag ng tadhana, at ako ay tumungo sa palikuran ng terminal. Dito ppo sa palikuran na ito sampung piso ang bayad at dun ka mismo sa ticketing both ng Park n' Ride magbabayad, sa dami po ng pasahero na bumababa at sumasakay ng bus dito, at iisa lamang po ang palikuran, tiyak na napakalaking kita ng may hawak ng palikurang ito.
     "Ang mahirap dito, laging apektado ang mga kababayan nating mahihirap na sa tuwing bibiyahe ay kailangan maghanda sila ng pera para lamang sa tawag ng tadhana na dapat ay resposibilidad ng mga nag-papatakbo ng terinal. Napakalaki po ng kinikita ng terminal na ito sa mga bus na pumapasok dito, kaya dapat sana yung palikuran ay responsibilidad nilang ayusin at ipagamit ng LIBRE para sa mga pasahero.
     "Labis-labis ang sampung piso na singil kung tutuusin dati rin akong OFW's. Sa Singapore bus terminal 10 cents (o katumbas ng php3.20) ang bayad at malayo sa linis at ganda ang palikuran, aircon at may sanitizer kesa sa Park n' Ride na ubod ng panghi. Tila mas mahal pa yata ang paggamit ng palikuran kaysa sa Singapore.
     "Di po lamang ito, at kahit na po sa lahat ng restaurant na tinitigilan ng bus na patungong Norte ay naniningil din ng bayad sa pagpasok sa palikuran. Panahon na sigurong sitahin ito ng ating pamahalaan at pahintuin, isa po itong salot sa ating lipunan. Kawawa po ang atingmga mahihirap na pasahero na ang dalang pamasahe ay iksakto lamang.
     "Sana po ay mabasa ito ng mga kinauukulan lalong-lalo na ng ating Pangulong Noynoy Aquino, at mabigyan ng aksyon ang aking naranasan. Maraming Salamat po."---Ernesto
     "Paki-usap ko lamang po na huwag na po ninyong ilathala ang aking buong pangalan."

@@@@@

     Iyan ang isang masama sa ating mga negosyante--- ang pagsasamantala sa kapwa! Sa mga ganyang gawain ng iilang mapag-samantala, lalo lamang na dumarami ang mga kumakampi sa mga maka-kaliwa na gustong patumbahin ang ating Demokrasya upang mapalitan ito ng mas marahas pa ngang pamamalakad ngunit sila naman ang mga namumuno at sila rin ang mang-aabuso ng kapwa.
     Bakit kinakailangan mag-samantala sa kapwa? Di kaya nila naiintindihan na sa kanilang prankisa mismo ay maliwanag na ang kanilang negosyo ay pagsilbi sa kapwa? Di pa ba sapat ang kanilang kinikita sa Bus at Van Terminal pati ang singil sa pagsakay ng pasahero sa kanilang bus? Pinag-kikitaan pa rin nila ang mga restoran na nasa loob ng kanilang terminal at pati ang pag-jingle?
     Tama ang layunin ng panukalang batas ni Cong. Magsaysay at saludo ang BALYADORA sayo! Kulang rin sa dunong ang mga may-ari o tenant ng mga terminal na naniningil sa mga gumagamit ng kanilang palikuran. Halimbawa na nga isang libong tao ang gumagamit ng kaniyang banyo at gumagastos siya ng isang libo sa bawat araw sa paglilinis nito, anong halaga nito kapag ang ibang terminal ay tinigil ang paniningil sa mga nangangailangang gumamit kahit na ginagastusan nila ng isang libo bawat araw ang paglilinis nito? Di kaya na magiging mas maunlad ang katapat ng terminal?
     Ipinangangalandakan ng cashier ng Park n' Ride maging ng mga security guard na ang kanilang ginagawang paniningil ay alam daw diumano ni MANILA MAYOR ALFREDO LIM.....tsk...tsk...tsk...
     Para patunayan ang naturang reklamo sa Park n' Ride kung may katotohanan nga ito, matapos ang aming misyon (media coverage) sa Romblon ay dumiretso kami (grupo ng mga mamamahayag) sa bayan ng Nasugbo Batangas dahil sa isang imbitasyon ng kaibigan at pagkatapos ay nagkayayaan na kaming umuwi at napag-kasunduan naming sumakay ng bus na may byaheng Lowton at ng kami ay makarating sa Lowton ay tinatawag kami ng kalikasan dahil sa haba ng biyahe halos lahat kaming mga media ay nag uunahan sa pagpunta sa comfort room (CR) pero laking gulat namin ng harangin kami ng mga security at hanapan ng ticket (bayad), bago daw kami gumamit ng CR ay kailangan daw naming magbayad muna sa ibaba o sa cashier ng halagang php10.00 para sa aming pag-ihi at TAKE NOTE may resibo pa silang ibinibigay at ito ang receipt #180538 PARK N' RIDE INC. P. BURGOS ST. COR. DR. BASA ST. ERMITA MANILA, FEMALE P10.00 VAT SALES P8.93, VAT P1.07 TOTAL P10.00 at ito daw ay utos sa kanila ng Manila City Hall?
      Manila Mayor Lim, hindi po kataka-taka na puma-panghi ang lungsod mo dahil narin siguro sa ilang pobreng mga pasahero ng bus na ang tanging dalang pamasahe ay iksakto lamang o walang pang bayad sa C.R kaya't kung saan-saang gilid nalang sila nakiki-jingle? KAKAHIYA ang lungsod mo!

@@@@@

     Para sa SUMBONG at REAKSYON mag-text po lamang sa 0919-411-9089 (smart & tnt)/ 0916-836-6844 (globe & tm) o di kaya mag-email sa balyadora_2008@yahoo.com.